Pages

13.2.07

girls' cr *fiction*

8am
2nd floor Girls' CR, Left Wing, AS

Pumasok si Melai sa loob ng CR. Maaga pa siya para sa kanyang unang klase--inagahan niya ang gising dahil kinailangang ihatid pa ang nakababatang kapatid sa skwelahan. Siya lang naman ang makakapaghatid dun--matagal nang wala ang Itay at ang Inay ay nasa abroad para maghanap-buhay--kaya sila-sila lang muna ng kapatid nya.

Siya'y nagtaka nang makita ang mistulang binaha lang na sahig ng CR. Basa ang sahig mula sa may pinto hanggang sa may mga cubicle. 'Weird', isip niya. 'Buti na lang di ako nagsuot ng mahaba kong pantalon kundi basa na naman ako.'

Paglapit sa unang cubicle sa kanan, napansin niya na may kahalo ang tubig na nagmumula sa katabing cubicle. Parang dugo.

Nakabukas ng baahagya ang pinto nito.

Sinilip niya.

At isa lang ang kanyang halos masabi nang binulaga siya ng nakahandusay na anyo sa loob.

"Shet."

No comments: